New composition: March 31, 2009 (9:30-10:20pm)
1st Verse:
Samut saring luha ang pumatak para sayo
Mga luha ng aking puso na nilisan mo
Silay nagukit ng rehas sa aking mga palad
na habang buhay na magiging lamat
Chorus:
Hindi mo ba nakikita sa ilalim ng aking mga mata
Ang lubid sa ating puso na iyong pininta
Inukit mong paraiso ngayon ay naglaho na
Dingin mo ang himig ko at iyong madarama
2nd Verse:
Tumahip ang aking dibdib sa aking nalaman
Na tila ba ay ayokong mamasdan
Na ang puso mo ay sa iba na nakalaan
Na tayo pala ay may katapusan
Chorus:
Bridge:
Pumanaw na ang mga ala-ala
Naglaho ang hirap at saya
Ang mundong iyong ginawa
Unti-Unti ng nabubura
Chorus..
No comments:
Post a Comment